A LOVE STORY (REVIEW)

aga0.jpgMadalang akong manood ng tagalog film. Lalo pa’t kung sino-sino na lang ang nagiging artista.

Last film na tagalog na napanood ko ay “Shake, Rattle and Roll 8″ na nadismaya lang ako. Tinulugan ko yung dalawang episode. Ni di man lang akong nasindak, mas naiinis pa ako sa binayad ko na hindi ko man lang nasulit.

Naka-chat ko yung isa kong opismate na madalang din manood ng tagalog. Tinanong niya ako kung napanood ko na raw yung “A Love Story” nila Maricel at Aga. Sabi ko hindi pa, at wala akong balak lalo pa’t si Aga ang main cast.

Simula nung napanood ko si Aga na kapartner si Claudine (na dati niyang kapatid sa Okidoki Dok) at si Kristine Hermosa na halos kalahati ata ang bata ng edad sa kanya. Nagdesisyon na akong wag manood ng susunod na pelikula niya. At ang kinakakaba ko baka yung susunod e si Serena Dalrymple na ang kapareha niya.

Pero napalit ako ng kaopisina ko. Sabi niya hindi niya raw ipapahiya ang sarili niya sa akin.

Nung linggo, ang init sa bahay. Ubos na rin ang mga DVD na pinapanood ko. Lahat ng tao umalis. Kaya yung tinopak ata ako niyaya ko yung kapitbahay kong manood ng sine. At syempre “A love story” ang pinanood namin. oo na kinakain ko na yung sinabi ko about Aga.

Nilibre ko yung kapitbahay ko tutal sa SM San Lazaro lang naman. Palipas oras baga (palusot). Ang haba ng pila. Dalawang sinehan ang nagpapalabas ng pelikula ni Maricel.

Nagbaon kami ng chichirya at isang 500ml na apple flavor na jungle juice sa loob ng sinehan.

5:10 nagsimula ang palabas ……

Tumakbo ang kwento sa love triangle ng tatlong main cast na sina Maricel, Aga at Angelica.

Di ko na kwekwento ang buong istorya … pero masasabi ko lang nanumbalik ang paniniwala ko sa pelikulang pilipino dahil sa movie na ito.

Magaling ang takbo ng istorya sa simula mapapaisip ko kung sino ang tunay na kerida kina Maricel at Angel.

Sa huli paiisipin ka naman kung sino ang sasamahan ni Aga sa dalawa.

Hands down ako sa writer ng movie na si Vannessa Valdez (yun e kung di ako nagkakamali)

Isa lang ang natutunan ko sa pelikula “History repeats itself.” Panoorin niyo ang pelikula para malaman niyo kung bakit.

May koneksyon ito sa relasyon ng Tatay ni Aga at sa relasyon ni Aga sa mga naging babae niya …..

Unang review ko ito kaya medyo magulo … pasensya ….

~ by Airwind on August 22, 2007.

5 Responses to “A LOVE STORY (REVIEW)”

  1. Wuhoooooo fellow wordpresser ka na. Congrats on switching (just keep the blogspot account in case you want to use it again). So eto na ba yung prime url mo? Yung banner mo tumugma sa blog-name mo. Masayang lumipad kapag di mabigat masyado ang dala mo.

    The movie sound interesting. Aga M is consistent naman on his acting, the same drama-love story of movies he did before. And he really is short. Sana kay Dayanara na lang sya, hahaha.

  2. @K, matagal na akong may account sa wordpress pero kahapon lang ako nagkaroon ng time to actually play around with it. i wont lose my blogspot account dun ako nagsimula e. but most of my post will be here. turuan mo ako a? salamat at nagustuhan mo yung banner ko. i remember dayanara. wehehe … asap days! hahaha

  3. ^_^ hehe. ako rin di ako masyadong nanunood ng pelikulang tagalog, lalo na’t paglipas ng 2 buwan e mapapanood mo na ito sa TV. :mrgreen:

    pinaka huling pinanood ko eh yung INA YAYA (ba yun) ni Maricel. Hehe. trip lang :)

    niyayaya ko ngang manood si DarkBlak nitong A Love Story e, kaso di ko mapilit. haha. sasabihin kong nanood ka, baka sakaling magbago ng isip ^_^

  4. wehehehe airwind ang galing ng banner mo. astig. summer feel na summer feel. welcome to wordpress bro.

  5. ayoko kasi kay angelica, kaya di ko naging feel ang movie na ‘to. pero baka magbago isip ko…

Leave a Reply