Health is Wealth or need Wealth to be in good Health

Working OutNag enroll ako sa Fitness First (Fatness First, wehehe)  nung Linggo for health reason at syempre buyo na rin ng barkada. Di naman ako masyadong mataba. Pero ang laki talaga ng problema ko sa tiyan. Sobra as in uber sa laki ng tiyan ko na kapag nagpakuha ako ng pikyur e talaga naman nauuna siya.

Simula Elementary hanggang Highschool ay payatot ako. Simula ng magtrabaho ako, e unti-unti na rin ako nag-gain nang weight at eto nga ang laki-laki ng tiyan ko. Pag may nakakasalubong nga akong kabatch ko isa lang ang bukang bibig nila “Ang taba mo!!” kaazar

Dati-rati nag babadminton ako tatlong beses sa isang linggo. Pero ngayon na bumalik na ako sa bahay namin sa QC nawalan na ako ng kalaro kaya wala na rin akong ehersisyo.  :(

Siguro tama sila kapag nasanay na yung katawan mo na may physical activity hahanap-hanapin mo talaga. Kaya sa mga nakalipas na araw talaga naman lagi akong nagkakasakit. Sinisisi ko ito sa katamaran ko. Paano ba naman? Taxi ako papasok, upo sa opisina, sakay ng dyip … lrt … dyip pauwi, tapos tulog na. Hindi ko na talaga nagagalaw ang mga muscles ko sa katawan. Kaya madalas pakiramdam ko pagod na pagod ako o kaya naman e mahina ang resistensya ko.

Kaya naman nung nag offer ang Fatness First este Fitness First dito sa opisina. Nakisali na rin ako. Bukod sa discounted ang monthly fee may dagdag bonding time pa kami ng tropa. Iwas alak na rin, wehehe.

~ by Airwind on October 9, 2007.

10 Responses to “Health is Wealth or need Wealth to be in good Health”

  1. nakz naman, nagpapaseksi ha *hihihi*

    speaking of gym, shet di na rin ako nakakapunta ng gym. dahil siguro pang afternoon shift na ako sa work. tapos sa umaga, nagpapahinga lang ako sa house *hehehe* sayang yun membership ko. it’s not too late naman di ba? kailangan magpaseksi before dec dahil summer na yun *lol*

    ingatz

  2. Goodluck there Wind. Start with what you eat first, do some running then do sit-up everytime you go Fitness First gym. Syempre, the best thing to exercise kailangan may assessment ka, ask one gym instructor para bigyan ka ng “schedule”.

    I think discipline is the best medicine next to laugther.

  3. Naku. Kailangan ko rin yata iyan. Kasi naman pati ako tumataba dito sa Buffalo. Noong unang taon ko dito, nakayanan ko na huwag kumain ng kahit anong karne, and ayun, very fit ang aking tiyan. Pero, nagbakasyon ako sa Prague at ang sasarap ng mga meat stews nila, so ayun, napakain, por que bakasyon naman kasi. Pero pagbalik, ayun, nag-karne na ng nag-karne. Kaya ngayon, medyo mataba. Hay buhay, ang mga inaatim na bagay ay laging may kasamang kahirapan…

  4. Kala ko babae lang ang may problema sa weight.Denial pa ang drama ng mga babae,kasi naman na buntis,nag ka anak etc etc.yaw pang aminin sarap sarap kasi kumain,lol

    I’ve been seeing your pics, you look average naman sa weight but then,kung tiyan ang problema, I think few sit up every morning will do.Goodluck wind! I hope you’ll achieve your ideal tummy in no time. Ako din ipagdasal mo at sana,wag masyadong ganahan sa pagkakain ng kanin at patatas,hehe

    happy weekend!

  5. @jaleesa, oo its never too late ….. ako ayos kasi ang shift ko sa opis e 9pm-6am, after work diretso na ako sa gym dito rin naman sa bldg namin yung gym e.

    @K, sana nga sipagin ako. mahal ang kumuha ng personal instructor 9K daw. di bale may kakilala na ako gagawan niya ako ng prog.

    @LIW, hahaha ….. hirap talaga magtiis lalo na’t pagdating sa pagkain. yan din ang weakness ko e. ngaun gradual eating muna. portion per portion. konting tiis pero ayoko rin naman deprived sarili ko.

    @cheh, salamat .. wehehe … daya yung mga pic na yung talaga di ako humihinga … wehehe

  6. ako man gustong gusto kong mag enroll sa mga fitness club pero parang mas gusto ko yung yoga …kaya lang walang time at walang salapi lol!! mahal e 120 dollars kaya :)

  7. Aba mabuti yan! Ako rin noon, nagtetennis at nagji-gym. Pero guess what. Imbes na gumanda katawan ko, tumaba ako lalo. Hahaha. Ang lakas kong kumain noon! Yun bang taba na minamanas. Parang may sakit ako. Tapos natigil ako sa gym at tennis. Bumaba weight ko. Ngayon, jogging naman inaatupag ko. 1 week pa lang. So far so good naman. Good luck sa gym adventure mo, at sana iba ang epek sa yo. hehe

  8. hello! d kaya reason why laki tyan mo kac malakas ka uminom??.. .hahaha… inom nga tau pero wag until sumabog ha, katakot un….

    but maganda tong plan mo.. gym, so healthy.. dapat after 3 months may maipakita ka na before and after para may proof db.. godd luck sa pagpapaliit ng tyan :D

  9. hmm.. ako rin e nagpapa payat narin. Pero hindi ko kayang mg gym gym na yan. Kasi naman, una – mahal. Pangalawa, ang layo ng mga gym sa amin. Pagdating ko sa bahay galing sa trabaho, tulog nalang halos ang oras na naiiwan sakin.

    nagbabadmintton rin naman kmi ng mga officemates ko paminsan minsan, pero wish ko lang talaga mas madami akong pagkakataong mag eksersays ~

  10. @nalen, 120$? huwat!!! mahal naman. mas mura pala dito sa pinas …..

    @watson, nakakatakot naman yun … narinig ko na yang news na yan before. pero sana wag naman … wehehe …. gudluck din sa pagjojog nio po.

    @rachel, sana nga magdilang anghel ko. pag may changes ako napansin ill post a picture pag wala ibig sabihin nothing has happen yet. wehehe. di ko lasinggero. umiinom lang.

    @fionixe, oi laro tayo badminton … weheheh . sa tight ng schedule mo malamang wala ka talagang time.

Leave a Reply