Tagaytay? Na Naman!

TaalAno pa nga ba ang pinakamalapit na get-away dito sa Maynila kundi sa Tagaytay. Kaya naman napagkasunduan ng barkada sa opisina na pumunta doon. Matagal-tagal na rin naman na hindi ako napunta kaya sumama na rin ako.

Umalis kami ng Pasay ng 8am, dumating kami ng 9am sa Tagaytay, sa Cavite kami dumaan dahil trapik sa SLEX.

Kain muna kami sa famous na Mahogany Market. Dito yung mga dikit-dikit na carinderia ng bulalo. Ay sarap! Sa halagang 600 pesos ay nakaorder kami ng 4 na putahe (Bulalo, Tapa, Papaitan at Fish with tausi sauce) at apat na kami niyan a? Kung kakain ka sa Mahogany Market, kailangan magaling kang mamili kasi sa dami ng kainan matindi ang kompetisyon doon. Talagang pagbaba mo pa lang sa sasakyan marami na agad na mga babaeng lalapit sa iyo. Sila yung mga tindera ng karinderia, aalukin ka agad na dun na lang sa tindahan nila kumain. Isang tip, kahit saan tindahan ka man kumain humingi ka ng panghimagas, either pinya o banana o kung ano man ang in-season ng buwan na yun libre ito a? Kasali yan sa package nila. Wehehe …… pag hindi ka binigyan sa iba ka na lang karinderia kumain.  Wehehe .

After pigging out on all those foods, we decided to go to Taal Vista. Kaso ginagawa pala yung lugar. So napatripan naming mag-casino na lang. First time kong pumasok ng Casino, nung bata kasi ako di ko pinapasok, iniwan na lang ako sa sasakyan. Syempre dahil first time, slot machine lang ang nilaro ko and besides maaga pa nun kaya wala pang bukas na table. Knowing me, hindi ako nagtanong kung paano nagwo-work yung machine, e tutal meron din naman instruction sinunod ko na lang. I inserted 100 pesos sa machine. Putsa, na stuck yung bill ko. Ayoko naman iwan na yun dun, 100 din yun. Kaya kahit na hiyang-hiya ako I asked for help. Sabi nung attendant 500 pesos daw ang minimum na tinatanggap nung machine. HUWAT!!! Kaya tutal apat kami at wala naman kaming balak na magpaka adik sa casino, nagcheap-in kami para makabuo ng 500 pesos. Iba na pala ngayon ang mga slot machines, wala na yung parang bar na pinupull down para umikot. Buttons na lang. I played siguro mga 1hr din (di ako sure kasi wala daw talaga clock sa loob ng mga casino) yung mga kasama ko ubos na yung chips ako naman bagsak ng bagsak yung chips sa machine ko. Di ko lam nananalo na pala ako. E ang ginawa ko lang naman e pumindot ng pumindot. Wehehe. Beginners luck ika nga. Nagbabalak pang bumili ulit ng 500 pesos na chips nang mga kasama ko. Sabi ko wag na gamitin na lang nila yung mga chips ko. Kaya ending, umuwi kaming talunan. Pero masaya …. Pero di ako siguro maaadik sa casino wala naman kasi akong perang pantaya. Wehehe.

Pagkatapos ng pictorial sa labas ng casino diretso kami starbucks. Ang ganda ng starbucks sa Tagaytay overlooking ang Taal. Two floors siya so we decided na sa taas umupo para naman fresh air at kita naming ang Taal.

Last place na binisita naming ang Good Sheperds convent malapit sa People’s park. Dito kami namili ng pasalubong. Masarap kasi ang ube halaya nila dito.

Mga 12pm na rin kami ng bagtasin naming ang daan paluwas na Maynila. Natuwa ako kasi madalas man akong pumunta ng Tagaytay, first time ko itong makapag casino. Atleast din na ako ignorante pagdating dun. J

~ by Airwind on October 30, 2007.

16 Responses to “Tagaytay? Na Naman!”

  1. Hindi ko tanda kung nakapunta na ako sa Tagaytay o hindi. Feeling ko nakapunta na ako but I have no memory of it, obviously super ancient na noon.

    Hindi ko alam may casino pala doon. Masaya ba? Hindi ko kasi ma-gets ang konsepto ng casino, kaya wala akong balak pumunta sa Las Vegas kahit na I can do so.

    Anyway, camera-friendly ba ang Tagaytay? Maybe I’d go whenever I find myself back in the Philippines in the future.

  2. uy ~ spender ka na airwind! ^_^ hehe. ok lang din naman siguro kasi paminsan-minsan lang :mrgreen:

    ako hindi pa ko nakakapunta ng casino ~ pero nakakapag laro nako sa mga slot machines – sa PC!!

  3. Wind gusto ko diyan. Kahit medyo mahal, OK lang. Gusto ko diyan, kahit malapit lang, presko. Gusto ko diyan dahil gastos mo pagkain lang or “renta ng cottage”. Gusto ko diyan kasi peaceful ang paligid. Gusto ko dyan dahil last kong pumunta dyan, umuulan at pumunta kami sa tuktuk ata yun.

    Basta, gusto ko dyan.

  4. remember ang fitness first ha! *lol*

    i’ve been to taal vista. dyan kami kumain ng family ko. then mama played at the casino. she won *lol* konti lang naman bet nya. katuwaan lang.

    long wkend kami this wkend *yippieeee* public holiday kasi next tues :)

    ingatz

  5. I remember I went to Tagaytay once before and I loved the freshness sa hangin. Ganda. :)

  6. Have you ever been to Sonja’s Garden? Medyo mahal pero worth it naman. Saan banda ang Starbucks sa Tagaytay at nang mapuntahan this December pag uwi namin diyan.

    joy
    Your Love Coach

  7. Have you ever been to Sonja’s Garden? Medyo mahal pero worth it naman. Saan banda ang Starbucks sa Tagaytay at nang mapuntahan this December pag uwi namin diyan.

    joy
    Your Love Coach

  8. hello there…just bloghopping…if you’re visiting Tagaytay, don’t ever miss the Caleruega Church part na yata sya ng Nasugbu. Presko. Tahimik. Lovely lovely place. Ansarap mag emote. Ansarap balikan. Very romantic place.

    :)

  9. So totoo ngang may Good Shepherd dun! May mganakapagsabi na sa akin, pero yung mga kasama ko so far na pumupunta dun e di nila alam kung nasaan.

  10. @LIW, there are certains places in tagaytay na talaga namang worth camera shots. pero yung mismong taal sana hindi foggy para makuhanan mo nang maganda.

    @fionixe, di ko lam kung pareho lang ang slots machine sa casino at sa pc. di ko pa kasi natra-try yung sa pc. :)

    @K, wehehe ….. di naman obvious na gusto mo ang tagaytay. :)

    @jaleesa, wow sarap naman ….. enjoy your vacation.

    @marni, tnx marni for dropping by … yes masarap talaga ang hangin. kaya naman pagdating ng tagaytay we normally roll down our windows to smell the fresh air.

    @joy, salamat sa dalaw. marami ngang nakakapag kwento sa akin about sonya’s garden sarap daw ang salad dun. fresh kasi ang veggies. madaling makita ang starbucks sa tagaytay. kahelera siya ng leslie’s.

    @chuvaness, ive been reading your blog pero di ako leave ng message … flattered naman ako na you find time to visit my site….. salamat. havent been to caleruega yet … pero next trip ko sure na dadaaan ako diyan

    @watson, yup … totoong-totoo po. mas kilala ata ang good sheperd sa baguio kesa sa tagaytay.

  11. Bakit? Lagi bang foggy sa Taal? I guess that always is the case with high-elevation locations.

    Hindi ako uuwi sa Manila this Christmas. Simply because wala kasing uuwian. My immediate family is scattered around the world eh. Besides, may sariling trip ako, secret muna kung saan, pero local lang. I’m saving the international frolickings for next Spring.

  12. hi! first comment :) anyway you really should try going back to tagaytay around december or january tapos punta kayong taal vista ulit! coffee kayo dun sa ridge. grabe, freezing cold. pagka-serve sa inyo ng hot choco, mga after 10minutes malamig na ulit. hehe. (i lived in cavite kasi for about 4 months and suki din ako sa tagaytay :)

  13. maganda nga talaga sa tagaytay. dyan ko unang dinala ang aking asawa nung unang bisita nya sa pinas e. enjoy sya natatawa lang sya kasi ang mga tao naka jacket at ginaw na ginaw mantalanang sya e naka shorts at init na init, hehe.

    at masarap talaga kumain sa mga ganyang tindahan na parang dampa ang drama, palengke tapos paluto — hhhmmm…

    sa pasay ka nag-o-opis? huh

  14. @LIW, di naman lagi pero. during this time medyo foggy talaga. lalo na sa umaga. Ako both my sisters nasa dubai. Ill be at work sa christmas. But till now di ko pa rin lam kung saan talaga ako. Pero malamang sa work ako. :)

    @ris, welcome! sarap ngang bumalik kaya lang medyo tight na ang sched ko. pero as long as nakahanap ako ng oras punta ako and i will try your suggestion then ill post it on my blog. salamat sa pagdalaw.

    @kengkay, opo sa pasay po. bakit? malapit po sa dampa. wehehe .. puro pagkain talaga ang nakapalibot sa akin. wehehe

  15. sarap mo naman! dating opis ko kasi sa U-Freight Phils :D

  16. lurker din ako ng blog mo eh. hehehe…i’ll add you on my blogroll if it’s ok.. :)

    i have this feeling na pareho tayo ng nature ng job or something

Leave a Reply