Pasko na Naman
Anong preperasyon niyo ngayong parating na pasko? Ako eto binigyan ako nang butihing schedule sa trabaho ng pinapasukan kong kompanya. Masaya diba?
Di bale, wala rin naman akong maisip na gawin. Wala ang mga kapatid ko dito sa pinas. Mag-isa lang ako sa bahay. Pero di ako malungkot *sob* hindi talaga ok lang ako *sob* tutal last year ganito rin naman ang pasko ko e. Sanayan na lang siguro. *hikbi*
Pati ang nakaugalian ko nang pagpunta sa Divisoria ay hindi ko na nagawa ngayong taon. Una, dahil sa wala ng panahon. Pangalawa, masyadong maraming tao ayon sa mga pinsan ko na pumunta. At huli, laruan lang naman ang madalas kung bilhin doon na ngaun e nakakatakot na kasi baka galing sa tsina.
Nakausap ko na ang mga magulang ng inaanak ko. Nasabihan ko na silang wala akong regalo sa anak nila ngayon pasko. Ok lang naman daw (plastik!) wehehe. Syempre sinudan ko yan nang walang kapuknat-pukna na linyang “Bawi na lang ako sa susunod na taon.” wehehe.
Ok na rin sigurong dito ako sa opisina mag no-noche buena, tipid na sa pagkain kasi sagot ng opis … wala pang kalat. Tawagan ko na lang at i text yung mga barkada at pamilya ko sa pasko.
At sa iyo na bumabasa nito.
“MALIGAYANG PASKO”

Maligayang Pasko, wind.
Ganda ng Xmas sa Disneyland ngayon punta ka?
flangaaannaaa!! sa opis din ang noche buena ko. pareho tayo, di din ako nakapunta ng divisoria para mag shopping dahil naubos ang oras ko kaka blog at bloghop…LOL
maligayang pasko!