Mano po Ninong!
Late ako sa trabaho ko. Paskong-pasko pa naman. Nagulat na lang ako kanina ng pagtingin ko sa cellphone ko 8:15am na! Alas 8 ng umaga ang pasok ko. Di ko narinig na nag-alarm ang cellphone ko o nakalimutan kong ipa-alarm ng 6am. Hindi naman ako ng celebrate kahapon. Oo late akong natulog kasi nanonood ako ng TV at kumain kami ng mga kababata ko sa Chowking. Pero yung lang ang ginawa ko kahapon ng Christmas Eve.
Nagtext agad ako sa boss ko para sabihing kagigising ko lang …. Na maghahalf-day ako. Wala akong natanggap na reply. Natulog ako ulit tutal 12pm pa naman ang half day.
Bumangon ako ng 9am, nag-init ng tubig, nag toothbrush at naligo. Hindi naman trapik today kaya naman nagtagal ako sa banyo.
Paglabas ko ng bahay, aba’y ang daming bata. Nagpaalala na naman ang araw na Pasko nga pala ngayon. Ganun talaga ang Pasko ata ay para lang sa mga bata. Naglakad ako patawid ng Highway. May babaeng may dalang bata na humihikahos na patungo sa akin. Di ko pinansin. Naiwan sila sa kabilang side ng Highway ako naman ay nakatawid na sa kabila, dun ko lang nalaman na ako pala talaga ang paka’y nila. Tinuturo niya yung batang kasama niya. Sa pagkakabasa ko sa buka ng bibig nung Nanay ang sabi niya ata ay inaanak ko ang anak niya. Tinitigan kong mabuti. Hindi ko kilala yung bata. Sinenyasan ko siya papasok na ako at mamaya na lang kami mag-usap paguwi ko Yun e kung maaabutan niya ako .
Habang nakasakay ako sa dyip na puno pa rin ng bata (araw talaga nila ito) naalala ko na kung sino yung mag-ina. Yung pala yung inaanak ko na tinatakwil ko bad. Kung tatanungin niyo ako kung bakit? Eto ang istorya.
Kapitbahay ko si Liza (ina nung bata), biyenan niya yung naglalaba at namamalantsa sa pamilya namin. Kilala ko lamang sa pangalan si Liza. At ni hindi nga naming nakuhang magkapagusap man lang. In short hindi siya nag-eexist sa mundo ko bukod sa pangalan niya. Di ko alam ang buwan pero naikwento sa akin ng taga-laba naming na nagkaroon nga daw ng anak si Liza.
Dumating ang disyembre, pumunta sa bahay ang pamilya ni Liza at namamasko. Ang sabi sa akin ay inaanak ko raw ang bunso niyang anak. Sabi ko wala naman akong natanggap na imbitasyon. Sabi niya huwag daw akong magalala kasi may nag-proxy naman sa akin. Ganun?
Hindi ko maintindihan, ang pagiging Ninong at Ninang sa panahon ngayon ay isa na bang negosyo? Di ba ang pinaka responsibilidad ng isang Ninong at Ninang ay gabayan ang kanilang inaanak? Marami din naman akong inaanak, ako pa mismo ang nagkukusang magbigay sa kanila kasi alam ko na obligasyon ko yun at tinanggap ko sa harap ng simbahan ang responsibilidad ko na maging Ninong nila. Hindi tulad ng anak ni Liza na mula sa kawalan e inaanak ko na. E ni hindi ko nga nakakausap yung Nanay at Tatay e. Yun bata pa kaya.
Pagdating ko ng opisina, nandun na ang boss ko. Di naman siya nagalit, sadyang mabait talaga ang boss ko. Yun lang instead na umuwi ako ng 5pm … uuwi ako ng 8pm. Ok na rin ….
HAPPY HOLIDAYS EVERYONE!!!

hehehehe maraming ganyan sa mundo
ako nga e ni hindi ko kabatian tapos bigla akong kinuhang ninang tapos twing pasko nagkikita na kami at kapag ordinaryong araw naman e wala lang
Merry christmas pala e bakit naman paskong pasko nagtatrabaho ka?
ako ito kapapatak pa lang ng alas dose dito pero eto online at tahimik na tahimik ang buong kabahayan
ako mabait na empleyado…umabsent ako..hahaha…kahit na ang katumbas ay 4K bonus + IR + double pay
WAAAAAAAHHHHHHHHHHH…
lagi talagang nasa huli ang pagsisisi…LOL
I enjoyed reading this post.
@manilenya, namamasko po!! wehehe ….. ganun talaga dito sa trabaho ko walang holiday-holiday.
@chuvaness, sayang!!! tsk tsk tsk bawi na lang next year
@Gerry, salamat … di ko alam ma nasisiyahan pala sa mga post ko … wehehe…