Bawian Portion

•November 17, 2009 • Leave a Comment

Ayokong masayang ang off ko, so babawi ako sa mga friends ko.

My day starts with Meann. Off to Makati … ate lunch with her at Alexa’s Deli.

After, went to I-manila to visit Pau and some of my old officemates.

Then run to Trinoma to meet with OJ, Larry, Aryan, Aldous, Norman and the newbie (sorry di ko matandaan name mo .. bangag na kasi ako sa antok) and watched 2012.

Sintang Paaralan

•November 11, 2009 • 2 Comments

PUP

Sumugod kami ni Ponyang sa PUP para kunin yung kopya niya nang Transcript of Records.

Akalain mo 6 na taon na pala ang nakalipas….

Marami nang nagbago.

Nagkaroon na nang Mabini Shrine, yung dating tindahan ng “Kiss Balls.”

Naputol at lumiko na ang “Catwalk.”

Lumipat na ang Canteen na bilihin ng “Footlong” at nadagdagan na nang tindahan sa loob ng campus.

Nagkaroon na ng mga “Gazebo” malapit sa Lagoon.

Nadagdagan ng tambayan malapit sa “Ilog.”

Nawala na ang “Batong” tinatambayan namin.

At nailipat na rin ang “Flagpole” sa gitna ng Main Building.

Marami mang nagbago, pareho pa rin ang dami ng numero nang estudyanteng natutulungan nang nagiisang state University ng bansa para sa Masa.

I miss you PUP!!!

Reminiscing Dubai

•November 10, 2009 • Leave a Comment

Dubai

Minsan naiisip ko ano nga kayang nangyari sa akin kung nagstay ako sa Dubai? Kapag binase ko sa mga naging kasamahan ko dun na natira, yung iba umuwi na .. yung iba umasenso na ang bahay. Kanino kaya ako dun mapapabilang?

Masaya kaya ako?

Limpak-limpak na rin kaya ang pera ko?

May asawa na ako? (natawa ako dito nung naisip ko ito?)

Nabili ko na kaya ang mga gadgets na gusto ko?

Sa isang malaking kompanya na kaya ako nagtratrabaho?

Visor o Manager na kaya ako?

Nakapag stay na ako sa Burj Al Arab?

Nagdridrive na kaya ako ng sarili kong kotse?

Hay ……

Team TinaSaurus Breakfast

•November 8, 2009 • Leave a Comment

Breakfast to celebrate TM Tinah’s COP award.

Salamat kina Billy at Ms Kaye …. 🙂

Kapagod man ang work … im always looking forward for this last day of work Breakfast

Location:

Trellis, Market Market

ERIC – USIC
FRANCES – USIC
LEA – SULOA
MAE – AUDVAC
MIKE – USIC

TinahSaurus

TinahSaurus

Bakasyon ni Ate 2009

•November 3, 2009 • 4 Comments

First stop … “BOHOL” isa sa pinaka paborito kong lugar dito sa pinas. Di lang dahil sa dami nang pedeng gawin kundi pati na rin sa natatanging kabaitan ng mga Boholenyo.

Nagpapasalamat ako kay Jun-jun na tumayong Driver, Tour Guide At Kaibigan namin. Malaki ang utang na loob ko sa  iyo. At talaga namang babalik-balikan ko ang Bohol.

Bohol Trip

Second stop …. “BORACAY” sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda ng Bora? Ako!!! Wahahaha …. mas iba ang dating ng Bohol para sa akin. Di ko hilig ang ingay. Ang maganda lang sa Bora para sa akin ay maraming makakainan, di ka magugutom at maraming activities na pedeng gawin.

Boracay Trip

Salamat ulit Ate … next time Palawan naman???? 😉

Manila Ocean Park ’09

•November 1, 2009 • 2 Comments

Manila Ocean Park

Birthday ng Mama ni Pauline. Naimbitahan akong sumama sa Manila Ocean Park. Dahil libre at di pa ako nakakapunta doon. Umoo akong agad na sasama.

Walang tulog mula sa work diretso ako sa bahay nila Pau para sumabay sa kanila papuntang Manila Ocean Park. Kahit undas dito sa pinas marami pa rin ang nagpunta dun at di sa mga puntod ng kaanak nila. *bad*

Overated ang place. Sobrang liit at kokonti ang laman. Considering na P400 ang bayad. At babala sa mga gustong pumuntang pers timer na tulad ko. Kapag lumabas na kayo sa first floor para umakyat sa second floor … di na pede bumaba ulit. So manawa at manakit muna dapat ang mata mo sa first floor bago ka umakyat kasi wala naman makikita sa taas at di mo masusulit ang binayad mo.

After ng ocean park, diretso kami sa “Makansutra” Asian Food Village. Panalo ang food, they have authentic Thai, Singapore, Filipino at Chinese food. Lungkot lang kasi im craving for Korean … at wala sila. 😦

Salamat ulit sa Mama mo Pau at kay Jong!!!! Sulit ang puyat.

Learning Photoshop

•October 28, 2009 • 3 Comments

Napagtripan kong pag-aralan yung Photoshop Elements 7 dito sa pc ko. And with the help of online “Youtube” tutorial *tsadan*Nanay

After

MamaBefore