Wish List

Pers time kung gumawa ng Wish List ….Nangangako ako madalas bago matapos ang taon ng mga bagay na gusto kong baguhin at gusto kong makuha sa susunod na taon pero madalas sa iyon e hindi naman natutuloy o natutupad.

Kaya naman ang una sa listahan ng mga bagay na gusto kong mangyari at makuha sa buhay ko sa darating na 2008 ay…

  Maging Disiplinado Lagi ako nag o-over sa budget ko, pakiramdam ko pa nga mas malaki pa ang gastos ko kesa sa kita ko. Sa pag-gigym, kailangan at least 3 times a week ako mag work out. Kailangan hindi na ako ma late sa opisina. Kailangan mag talaga ako ng budget sa pang araw-araw ko at siguraduhing hindi ako lalagpas doon. Disiplinado sa pagkain, di na ako pabata, kailangan tinitingnan ko na ang mga bagay na kinakain ko.Makabili ng Camera (Canon EOS 400D)Simula ng masira yung point-and-shoot kung camera, namimiss ko na ang kumuha ng mga litrato. Kung tatanungin ako kung bakit pang prof na camera ang gusto ko kasi … Makapag-aral ng PhotographyDi lamang libangan ang gusto kong gawin sa pagkuha ng litrato, syempre naman gusto ko rin pag kakitaan. Balak ko sanang maging paparazzi. Wehehe. Bilib na bilib ako sa mga blogsites ng Pinoy na Photographer. Gusto ko ring maging ganun.Matutong magdriveSiguro mga 3 taon na akong nangangakong mag-aaral ako ng driving pero di natutuloy. Wala kasi akong panahon at iniisip ko marunong nga akong magdrive wala naman akong idri-drive. Balewala lang. Kung tinatanong niyo ko kung bakit gusto ko na ngayong matutong magdrive kasi …. Makabili ng kotseIto na siguro ang pinakamabigat kung pangarap sa susunod na taon …… maraming dasal at OT ang katapat nito.

Hindi naman siguro masama ang nalista sa Wish List ko. Not only this will serve as my inspiration but also this will drive me to be who I really want to be. Which is to be mature enough to stand by myself.

~ by Airwind on December 31, 2007.

7 Responses to “”

  1. hmm weird at hindi nagpost yun comment ko a few days ago. bakit kaya? siguro dinilete mo noh? *hehehe*

    hope you had a fab new year!!!

    ingatz

  2. hehe ako naman matagal ng expired drivers license ko di kopa napaparenew ulit.

    Air, happy New Year Bro. All the best this 2008 🙂

  3. Good luck, good luck!

  4. marunong nga akong magdrive wala naman akong idri-drive. Balewala lang….

    ahahahaha…oo nga naman..pero isipin mo na lang kung biglang mag ka kotse ka tapos di ka marunong mag drive? o pano na…

    mas mabuting mag prepare ka na agad

  5. tingnan mo ang kapal ng mukha netong hayup na to…

    nilagay pa ang wishlist niya dito sa blog niya pero ang blog niya naman ang kinalimutan niya hahaha lol =)

    sabagay ako rin naman kinalimutan ko na ang blog kaya makapal din ang mukha ko nyahahaha lol =D

  6. Wow! Goodluck sa mga gusto mong makamit sa darating na taon. 🙂 Ako rin gusto ko magkaroon ng ganyang camera pero cguro dito sa point and shoot muna ako magttyaga…

  7. Late na itong pagbati ngunit sasabihin ko pa rin. Naway makamit mo lahat ng iyong mga ninanais. 🙂

    Especially the camera…I so love to have one as well. 🙂

Leave a comment

 
Design a site like this with WordPress.com
Get started